^

Bansa

P677-M pa tagong yaman ni Corona

-

MANILA, Philippines - Mayroon pa umanong mahigit sa P677 milyon ang unexplained wealth ni Corona na hindi nakadeklara sa kaniyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Sa pagsisiyasat ng fact finding committee ng Ombudsman, lumalabas na nasa P36 milyon lang ang kabuuang asset ng mag-asawang Renato at Cristina Corona simula 2010 hanggang 2012.

Sa naturang report ay nakasaad na si Corona ay kumita lang ng P27.1 milyon mula sa April 2, 2002 hanggang December 31, 2011 habang siya ay nakaupo sa pwesto sa gobyerno.

Subalit may kabuuang P36.7 milyon na peso accounts at $10 milyon na may katumbas na P420 milyon at hindi pa umano kasama rito ang mga natuklasang undeclared o undervalued sa mga idineklarang bahay at lupa ng punong mahistrado.

Sinisilip ng Ombudsman ang mga ari-ariang binili ng mag-asawa na kuwestyunable umano kung saan sila kumuha ng pambayad. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CORONA

CRISTINA CORONA

GEMMA GARCIA

MAYROON

MILYON

RENATO

SINISILIP

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with