Solons tutol gawing 12-anyos ang batang makakasuhan
MANILA, Philippines - Binawi ng Kamara ang pag-apruba para sa ikalawang pagbasa sa panukalang batas na nagpapababa sa 12 taong gulang ang edad ng mga batang maaring masampahan ng kasong kriminal.
Sa kahilingan nina Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy at Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan ay nag-mosyon sa plenaryo si Iloilo Rep. Janet Garin na irekonsidera ng kapulungan ang pag-apbruba sa House Bill 6052.
Giit ni Herra-Dy, hindi pa dumadaan sa masusing debate sa plenaryo ang panukalang ito kayat nagtataka sila kung paano ito naaprubahan gayung mahaba naman ang listahan ng mga kongresista na gusto pang mag-interpellate dito.
Kung tuluyang mapagtibay ang HB 6052, ang mga batang may edad 12 na lalabag sa batas ay mayroon ng criminal liability, maaari nang arestuhin at paparusahan base sa nakasaad sa child and youth welfare code.
Kaagad itong tinutulan ng mga mambabatas dahil kahit sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga hindi pa umaabot ng 18 taong gulang ay itinuturing pang bata o menor de edad na dapat bigyan ng pagkakataon na magbago kung nakagawa ng krimen.
- Latest
- Trending