^

Bansa

Travel ban sa Kurdistan, Iraq inalis na

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inihayag ng Malacañang na inalis na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Admi­nistration (POEA) ang travel ban sa Kurdistan, Iraq.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pwede nang makapunta sa Kurdistan, Iraq ang mga Overseas Filipino Worker’s (OFWs) na nais magtrabaho doon.

Nilinaw pa ni Usec. Valte, ang inalis na ban ay sa Kurdistan, Iraq lamang pero nanatili pa din ang employment ban sa ibang rehiyon sa Iraq.

Ipinagmalaki din ni Valte ang ‘good news’ kung saan ay umabot sa 1.148 milyon ang visitors arrivals sa talaan ng Department of Tourism (DOT) sa 1st quarter ng taon.

Aniya, tumaas ng 16.03 percent ang tourist arrival kumpara sa same period noong 2011.

Bukod dito, ipinagma­laki din ng Malacañang na umabot sa 151 OFW’s sa Riyadh, Saudi Arabia ang nagtapos nitong May 4 ng computer courses mula sa OWWA at DOLE programs.

Iginiit din ni Valte, ang isa pang good news ay nag­laan ng P5 milyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa restoration ng Ifugao Rice Terraces.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF TOURISM

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

IFUGAO RICE TERRACES

MALACA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMI

SAUDI ARABIA

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with