Palasyo umaasa na haharap si CJ Corona sa paglilitis

MANILA, Philippines - Umaasa ang Palasyo na tutuparin ni Chief Justice Renato Corona ang kanyang pangako na haharap mismo sa impeachment court upang sagutin ang mga alegasyon sa kanya kabilang ang sinasabing dollar account nito.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ito ang matagal nang inaabangan ng taumbayan ang pagharap mismo ni CJ Corona sa impeachment court para linawin ang mga isyu hinggil sa kanya.

Naniniwala ang Malacañang na magsasabi naman ng katotohanan si Corona sa pagtestigo nito sa Senado sa linggong ito.

Magugunita na nagpasya mismo si Corona na humarap sa impeachment court matapos mapikon sa ipinalutang na $10 milyon dollar account nito na ngayon ay kinukuwestyon sa Ombudsman.

Show comments