^

Bansa

GMA kakandidato sa 2013 kahit may sakit

- Gemma Amargo-Garcia -

 MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkaka-hospital arrest at sa dinaramdam na sakit, tatakbo pa rin sa darating na 2013 mid-term elections si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay House Minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, mas nakatutok umano si CGMA sa kanyang re-election sa susunod na taon habang ipinapaubaya na lamang nito sa liderato ng Bagong LAKAS-CMD ang pagmamaniobra.

Sa council meeting ng partido, aalisin ang partidong Kampi mula sa Lakas upang malayo sa anino ni CGMA.

Samantala, kinumpirma naman ng pinakamalapit na kaibigan ni CGMA na si Mindoro Rep. Amelita Villarosa na may kaugnayan sa puso ang dinadaing ngayon ng dating pangulo at sinabing “it’s a matter of life and death,” ang kalagayan ni CGMA.

Kamakalawa ay bigla na lamang nagpatingin si Makati Medical Center si CGMA dahil sa umano’y pagkakaroon ng komplikasyon sa naunang operasyon sa leeg na nagdulot ng hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib.

AMELITA VILLAROSA

AYON

DANILO SUAREZ

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE MINORITY

KAMAKALAWA

KAMPI

MAKATI MEDICAL CENTER

MINDORO REP

PAMPANGA REP

QUEZON REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with