PNA website na-hack din!
MANILA, Philippines - Panibagong website ng gobyerno ang pinakahuling biktima ng hacking.
Sinira ng mga nagpakilalang Chinese hackers ang website ng Philippine News Agency (PNA) at nag-iwan ng isang Chinese flag at mga salitang “Huangyan island belongs to China, what power you have said is you?”
Nakasulat din ang mga katagang “Tolerance is not possible, no need to endure, Every country has the patience of the bottom line, if you crossed the bottom line, China will take measures to Silence does not mean we will be afraid of any one country”.
Napag-alaman naman na pirated pala ang ginagamit na ‘firewall’ ng PNA dahil sa kawalan ng budget at ‘improvised’ lamang ng IT technician nito ang PNA server.
Halos kasabay na na-hack din ang website ng PAGASA.
- Latest
- Trending