Height limit sa PNP aalisin
MANILA, Philippines - Good news sa mga maliliit o pandak na gustong pumasok sa Philippine National Police!
Isinusulong na sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong tanggalin ang height requirement para sa mga gustong maging pulis upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na gustong maging miyembro ng PNP kahit pa kapos sila sa height.
Sa Senate Bill 3184 na inihain ni Senator Gregorio “Gringo” Honasan na tatawaging “Police Height Equality Act of 2012” sinabi nito na base sa Universal Declaration of Human Rights, lahat ng tao ay pantay-patay sa mata ng batas at dapat magkaroon ang lahat ng proteksiyon ng batas laban sa anumang uri ng diskriminasyon.
Nakasaad din umano sa UDHR na lahat ng tao ay may karapatan na mamili ng gusto nilang trabaho at dapat binibigyan din sila ng proteksiyon laban sa “unemployment”.
Ayon kay Honasan ang “heightism” o diskriminasyon base sa taas o tangkad ay isang realidad sa ngayon na pina-practice ng iba’t ibang law enforcement agencies at armed forces sa buong mundo kahit na hindi naging problema ni Napoleon Bonaparte ang kaniyang tangkad o “altitude problem”
Ayon kay Honasan, sa kabila ng kakulangan sa height ni Napoleon naging magaling itong heneral.
Sa ngayon umano ay umiiral pa rin ang “heightism” sa PNP kaya nawawalan ng pagkakataon ang mga kabilang sa minority o indigenous groups na makapasok sa pulisya dahil sa kanilang “genetic make-ups” na mas maliit kaysa sa mga normal na Pinoy.
- Latest
- Trending