Website ng PAGASA na-hack
MANILA, Philippines - Na-hack ng pangunahing website ng PAGASA kaya hindi ito ngayon ma-access ng publiko.
Ayon kay Juri Lois, weather forecaster, nalaman lamang nilang na-hack ang kanilang website na PAG-ASA.DOST.GOV.PH dahil sa posts sa kanilang twitter account.
Sinabi naman ni Rene Gumapal ng ICT group ng PAGASA, nalaman nila ang hacking sa pagitan ng alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon nang makitang kulay pula ang page ng kanilang website at may Chinese characters.
Pero kapag tiningnan ngayon ang website ay may maliit na letra at numero lamang na may nakasulat dito na hacked by Net user! Team:X-fuck ! E-mail:[email protected]!
Gayunman, nilinaw ni Gumapal na mayroong alternatibong website na maaaring gamitin ng publiko ang KIDLAT.DOST.GOV.PH.
- Latest
- Trending