MANILA, Philippines – Umaatake na rin kahit sa gabi ang Aedes Aegypti mosquitoes o dengue mosquitoes.
Ayon kay Dr. Barbara Lavinya Caoili, secretary ng Philippine Association of Entomologists (PAE), kung dati’y sa umaga at hapon kung umatake ang dengue, kahit sa gabi ay sumasalakay na ito. Wala na rin itong pinipiling panahon maging tag-init o tag-ulan.
Nito lamang 2011, aabot sa mahigit 110,000 ang naiulat na kaso ng dengue sa bansa at posible pa itong tumaas bunsod ng nararanasang climate change.
Dahil dito, mahalaga umanong maging mapangalaga sa kalusugan ang mamamayan para maiwasan ang dengue. (Doris Borja/Ludy Bermudo)