^

Bansa

Pinas nagmukhang pulubi sa US - Joker

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nagmukhang ‘timawa’ o ‘pulubi’ ang Pilipinas sa ginawang “two plus two meeting” sa Washington D.C. kaugnay sa paghingi ng tulong sa Amerika para lutasin ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.

Ito ang pang-aasar na pahayag ni Sen. Joker Arroyo matapos na tumanggi at nag-iwas pusoy sina US Secretary of State Hillary Clinton at Defense Sec. Leon Panetta na makialam sa hidwaan ng dalawang bansa sa West Philippine sea.

Sinabi ni  Arroyo, dating executive secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino, hindi dapat agad na umakyat sa high level talks sina Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario at Defense Sec. Voltaire Gazmin kung walang katiyakan na magtatagumpay ang kanilang misyon sa US.

Ikinatuwiran ni Arroyo na “nabisto” na ng pamahalaang Aquino ang Amerika na walang paninindigan at hindi tayo ipagtatanggol sa pambu-bully ngayon sa atin ng Chinese military forces.

“As matters stand, China now confirms what it had thought all along, that the 61-year Mutual Defense Treaty can not be invoked in the Scarborough stand-off,” paliwanag pa ni Sen. Joker.

Naniniwala si Arroyo na dapat ginaya ni Pang. Aquino ang kanyang ina na isang master of diplomacy at hindi padalos-dalos sa paghingi ng tulong sa Amerika.

AMERIKA

AQUINO

DEFENSE SEC

FOREIGN AFFAIRS SEC

JOKER ARROYO

LEON PANETTA

MUTUAL DEFENSE TREATY

PANGULONG CORAZON AQUINO

PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

SECRETARY OF STATE HILLARY CLINTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with