MANILA, Philippines – Isolated lamang at hindi pa pumapasok ang panahon ng tag-ulan bagamat nakaranas ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila kahapon.
Sinabi ni Jori Loiz, weather forecaster ng PAGASA, nagkaroon lamang ng mga kaulapan kaya’t bumuhos ang malakas na pag-ulan kahapon pero sa ngayon ay umiiral pa rin ang ridge of high pressure o ang mainit na panahon ng summer.
Anya, mga 2nd week pa ng Mayo ang pinaka maagang maaaring pumasok ang tag-ulan sa bansa. End of June ang pinaka matagal na araw na maaaring pumasok ang tag-ulan at ang normal na panahon ng pagpasok ng tag-ulan ay end of May.
Ayon kay Loiz, dahil sa kaulapan at isolated rain showers kahapon, bumaba sa 31 degree celcius ang init ng panahon sa Metro Manila as of 2pm pero bago ito ay nakapagtala ng init ng panahon sa Metro Manila ng 33.8 degree celcius kahapon ng alas-10 ng umaga.
Mula naman sa 37.5 degree celcius nitong Lunes na init ng panahon sa Tuguegarao, umabot naman sa 36.6 degree celcius ang init sa Tuguegarao kahapon ng alas-2 ng hapon.