^

Bansa

Hindi pa tag-ulan - PAGASA

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Isolated lamang at hindi pa pumapasok ang panahon ng tag-ulan bagamat nakaranas ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila kahapon.

Sinabi ni Jori Loiz, wea­ther forecaster ng PAGASA, nagkaroon lamang ng mga kaulapan kaya’t bumuhos ang ma­lakas na pag-ulan kahapon pero sa ngayon ay umiiral pa rin ang ridge of high pressure o ang mainit na panahon ng summer.

Anya, mga 2nd week pa ng Mayo ang pinaka maagang maaaring pumasok ang tag-ulan sa bansa. End of June  ang pinaka matagal na araw na maaaring pumasok ang tag-ulan at ang normal na panahon ng pagpasok ng tag-ulan ay end of May.

Ayon kay Loiz, dahil sa kaulapan at isolated rain showers kahapon, bumaba sa 31 degree celcius ang init ng panahon sa Metro Manila as of 2pm pero bago ito ay nakapagtala ng init ng panahon sa Metro Manila ng 33.8 degree celcius kahapon ng alas-10 ng umaga.

Mula naman sa 37.5 degree celcius nitong Lu­nes na init ng panahon sa Tuguegarao, umabot naman sa 36.6 degree celcius ang init sa Tugue­garao kahapon ng alas-2 ng hapon.

ANYA

AYON

END OF JUNE

JORI LOIZ

LOIZ

METRO MANILA

MULA

PANAHON

SINABI

TUGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with