^

Bansa

P55 tapyas sa LPG

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) ang posibilidad na pagbaba muli ng presyo ng cooking gas ngayong linggo dahil sa patuloy na pagmura ng contract price nito sa internasyunal na merkado.

Sinabi ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na tinatayang P5 kada kilo o P55 kada 11-kilong tangke ng LPG ang tatap­yasin sa nakatakdang rolbak anumang araw.

Ito umano ang pa­ngako nila noon na “trend” sa presyo ng LPG na sunud-sunod na rolbak dahil sa pagbaba sa demand o pangangaila­ngan sa buong mundo sanhi para bumaba ang presyo sa world market. 

Nitong Abril 16, nagtapyas ng P1 kada kilo o P11 kada tangke ang LPGMA at P2 kada kilo o P22 kada tangke nito namang Abril 9.

Inihayag naman ng Petron ang rolbak nila sa kanilang produktong petrolyo ngayong Lunes ng umaga. 

Magbabawas ang Petron ng P.60 sa regular gasoline at P.30 sa premium at unleaded gasoline. Mananatili naman ang presyo ng kanilang diesel.

Nitong Sabado ng umaga, unang nagpatupad ng P.30 sentimos kada litrong rolbak ang Flying V sa premium, unleaded at kerosene at P.25 kada litro sa regular gasoline.

ABRIL

ARNEL TY

FLYING V

INIHAYAG

KADA

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MARKETER

NITONG ABRIL

NITONG SABADO

PETRON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with