Ex-FG pinayagang makalabas ng Pinas

MANILA, Philippines - Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan 4th Division na makalabas ng bansa si dating First Gentleman Mike Arroyo para dumalo sa isang business meeting sa Tokyo, Japan at short vacation sa Hong Kong.

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling na mosyon ni Arroyo na ‘permit to go abroad’ mula May 3 hanggang May 10. Naglagak ito ng P90,000 travel bond bilang patunay na rin na siya ay babalik sa bansa.

Ang Sandiganbayan 4th Division ang may hawak ng kaso ng NBN ZTE deal kung saan sangkot ang mag-asawang Arroyo.

Bibiyahe patungong Japan si Mike dahil sa pagnanais nito na makausap ang mga businessman doon at himukin na ring mamumuhunan para sa hydro electric power plant na siyang malaking suliranin ngayon na kinakaharap ng Pilipinas. (Ricky Tulipat/Butch Quejada)

Show comments