^

Bansa

2 barko ng China nasa Scarborough pa

-

MANILA, Philippines - Nagsinungaling umano ang China ng sabihin nitong umalis na sa Scarborough Shoal ang dalawa nilang barko.

Sinabi ni AFP-Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Anthony Alcantara na nagmaniobra lamang pala ang Yuzheng 310 at maritime surveillance ship no. 084 at muling nagbalik sa lugar. Bukod pa ito sa limang barkong pangisda ng China na naroon.

Bunsod nito, muling inihayag ng Pilipinas na hindi nito papayagan na maagaw ng China ang Scarborough Shoal. 

May nakalatag na umano silang contingency measure sakaling lumala pa ang sigalot alinsunod sa direktiba ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na bigyang proteksyon ang soberenya ng bansa.

Sa kasalukuyan ay bumalik sa lugar ang BRP Pampanga ng Philippine Coast Guard na pumalit sa BRP EDSa Dos na kailangang kumuha muna ng supplies ng pagkain at magkarga ng krudo. Dumating rin ang MCS 3006 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ayon sa AFP, magpapatuloy ang kanilang monitoring sa pagkilos ng China sa Scarborough kung saan ay binabantayan ang posibleng pagtatayo ng mga ito ng istraktura sa lugar. (Joy Cantos/Ellen Fernando)

ANTHONY ALCANTARA

AYON

BUKOD

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

ELLEN FERNANDO

JOY CANTOS

NORTHERN LUZON COMMAND CHIEF LT

PHILIPPINE COAST GUARD

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with