Krimen bumaba

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa pangkalahatan ang kriminalidad sa bansa sa unang semestre ng taong 2012.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Agri­mero Cruz Jr., sa istatistika ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ay bumaba ng 16.77 % ang Total Crime Volume mula Enero hanggang Marso 2012, kumpara noong unang bahagi ng taong 2011.

Sa index crime, nasa 61.14% ang Total Crime Volume o 19.86% mula sa 42,479 kaso sa unang bahagi ng 2011 habang sa kaparehong period ng 2012 ay nasa 34,043 na lamang ito.

Inihayag ni Cruz na bumaba rin ng 20.24% ang crime against persons tulad ng mga kasong homicide at physical injury, 20-25 % habang naibaba naman sa 4.75% ang mga kasong rape.

Sa crime against property, nasa 9.97% ang naitala sa mga kasong robbery, 28.16% sa theft at cattle rustling, 27.21%. Naibaba naman ang non-index crimes sa 11.40% mula sa 24,420 kaso mula 2011 na nasa 21,637 na lamang sa unang bahagi ng 2012.

Tumaas naman sa 8.54% ang police performance sa pagresolba sa krimen. (Joy Cantos/Ricky Tulipat)

Show comments