Krimen bumaba
MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa pangkalahatan ang kriminalidad sa bansa sa unang semestre ng taong 2012.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., sa istatistika ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ay bumaba ng 16.77 % ang Total Crime Volume mula Enero hanggang Marso 2012, kumpara noong unang bahagi ng taong 2011.
Sa index crime, nasa 61.14% ang Total Crime Volume o 19.86% mula sa 42,479 kaso sa unang bahagi ng 2011 habang sa kaparehong period ng 2012 ay nasa 34,043 na lamang ito.
Inihayag ni Cruz na bumaba rin ng 20.24% ang crime against persons tulad ng mga kasong homicide at physical injury, 20-25 % habang naibaba naman sa 4.75% ang mga kasong rape.
Sa crime against property, nasa 9.97% ang naitala sa mga kasong robbery, 28.16% sa theft at cattle rustling, 27.21%. Naibaba naman ang non-index crimes sa 11.40% mula sa 24,420 kaso mula 2011 na nasa 21,637 na lamang sa unang bahagi ng 2012.
Tumaas naman sa 8.54% ang police performance sa pagresolba sa krimen. (Joy Cantos/Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending