Dolphy unahing gawing Nat'l Artist
MANILA, Philippines - Sa gitna ng magkakontrang panukalang batas na nakahain sa House of Representatives na naglalayong gawing national artist sina Batangas Gov. Vilma Santos at Nora Aunor, iginiit kahapon ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat unahing ibigay ang nasabing award kay Comedy King Dolphy habang buhay pa ito.
Ayon kay Estrada, matagal na dapat ibinigay ang nasabing award kay Dolphy at dapat ibigay na ito sa kaniya ng administrasyong Aquino.
Sinabi pa ni Estrada na hindi alam ng publiko kung ano ang totoong kalagayan ni Dolphy na ilang beses ng napapaulat na may sakit.
Ikinatuwiran pa ni Estrada na maraming deserving na maging national artist katulad ng ama niyang si dating Pangulong Joseph Estrada, namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. at maging sina Nora at Vilma pero iba umano si Dolphy na isang Comedy King at walang katapat.
Si Dolphy lamang anya ang naghahari mula noong araw hanggang ngayon at masasabi umanong wala itong kapantay.
- Latest
- Trending