Phl envoy sa China papalitan na

MANILA, Philippines - Pormal nang iniatras ng Malacañang ang appointment ni Domingo Lee bilang ambassador ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, mismong si Pangulong Aquino ang nagsabi na hindi na ulit isusumite ang papeles ni Lee sa Commission on Appointments (CA) at hihintayin na lamang ng Pangulo ang mga rekomendas­yon na magmumula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa magi­ging kapalit ni Lee.

Nagdesisyon si Aquino na huwag nang isumite pa muli sa kumpirmasyon ng CA si Lee dahil na rin sa paniba­gong isyu na kinasangkutan ng Pilipinas sa Panatag Shoal.

Magugunita na 3 ulit hindi nakalusot sa CA si Lee kaya minabuti ng Palasyo na palitan na lamang ito.

Wala namang bi­nang­git ang Pangulo kung bi­bigyan ng panibagong posting si Lee pero siniguro na kokonsultahin pa rin si Lee pagdating sa Chinese affairs.

Show comments