MANILA, Philippines - Inaasahan makakaranas ng mas matinding init ng panahon ang Metro Manila ngayon dahil sa temperaturang papalo sa 35 degrees celsius.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing temperatura ay mananatili hanggang April 12 kung kaya pinaalalahanan ang publiko na huwag magbabad sa init ng araw.
Bukod sa MM, makakaranas din ng mainit na panahon ang Laoag, Ilocos Norte at Subic, Zambales.
Samantala, isang buntot ng cold front ang nakaka-apekto sa Extreme Northern Luzon habang isang low-pressure area naman ang nakaka-apekto sa Eastern Mindanao.