Turista dagsa nitong Enero
MANILA, Philippines - Record breaking high na bilang ng mga turista ang dumalaw sa ating bansa na umabot sa 411,064 nitong Enero.
Ayon sa Departmet of Tourism (DOT), mataas umano ito ng 17.5% kumpara sa halos 350 libong visitors arrival noong Enero 2011.
Sa tala ng DOT, ang Korea pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga mamamayan na bumisita sa Pilipinas matapos umabot sa 102,166 ang mga kababayan nila na nagtungo sa bansa.
Pangalawa ang Estados Unidos na may 63,160 arrival, ikatlo ang China, 42,868 arrival; pang-apat ang Japan, 32,089 at Taiwan, 21,995.
- Latest
- Trending