^

Bansa

Santiago 'Sharpshooter' ng Korte

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sapul pagkabata ay hinangad na ni Jaime Santiago na ngayo’y Judge Jaime Santiago ng Manila Regional Trial Court na maging huwes. Ipinanganak noong Enero 9, 1958, nagtapos si Santiago ng BS Criminology at isang lisensiyadong Criminologist.

Bagama’t naging pulis ng Manila Police District, hindi nawalan ng pag-asa si Santiago na magiging miyembro siya ng Judi-ciary.

Sumali sa MPD no­ong 1979 bilang patrolman ay isinakatuparan ang tungkulin kaakibat ang isang mas mataas na pangarap.

Taong 1986, mas lalo pang pinagbutihan at namuhunan si Santiago ng kanyang galing at talino.

Sa pagbabasa ng mga libro mas nadagdagan ang kanyang  kaalaman sa pag­papatupad ng kanyang tungkulin habang sa pagbabasa naman ng mga pahayagan tulad ng Pilipino Star Ngayon (PSN), nalaman niyang maraming ordinaryong tao ang nabibiktima ng iba’t ibang krimen at uhaw sa hustisya.

Nagsimula ang publication ng PSN noong Marso 17, 1986.

Habang ginagampa-nan ang kanyang tungku-lin sa batas nagdesisyon din si Santiago na mag-aral ng abogasya noong siya ay Police Sergeant sa Manuel L. Quezon Univer­sity  kung saan siya nagtapos noong 1993.

Habang nagre-review para sa bar exam, patuloy ang kanyang serbisyo sa pagkapulis kung saan itinalaga siyang Deputy Chief ng Special Weapons and Armed Tactics (SWAT) kasabay ng pagtaas ng in­sidente ng hostage taking na nagpakulay naman sa kanyang buhay nang patutukan sa kanya ang mga insidente ng  hostage taking sa Maynila.

Sa loob lamang ng isang taon, anim na hostage ta-kers ang kanyang napatay habang ligtas naman ang mga naging biktima.

Naging laman ng PSN ang mga accomplishment na ito ni Santiago.

Ito rin ang naglagay kay Santiago sa mas lalo pang kasikatan nang mapansin ni dating Cavite Governor at ngayo’y Senador Bong Revilla ang kanyang galing hanggang sa gawing pelikula ang kanyang buhay na pinamagatang SPO4 SANTIAGO: SHARPSHOOTER.

Taong 1994 naman nang makapasa sa Bar exam si Santiago na may ave­rage na 81.65% habang 1995 naman ng paranga-lan siya bilang Senior Non-Commissioned Officer of the Year ng  Western Police District at kabilang sa Ten Outstanding Policemen of the Philippines (TOPP) ng  Jaycees. Taong 1996 naman ng gawaran siya ng Act of Heroism ng  National Capital Regional Police   Office (NCRPO).

Nag-optional retirement si Santiago sa pagkapulis na may ranggong Senior Inspector noong 2001 at sinimulan ang kanyang legal profession noong 2003 bilang isang Assis-tant City Prosecutor ng Maynila ng Metropolitan Trial Court branch 12.

Sinabi ni Santiago na wala namang pagkakaiba ang pulis sa hukom maliban na lamang sa kanilang gamit at sistema sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin.

Bilang pulis gamit niya ang lakas at galing upang mahuli ang mga criminal samantalang ngayon ay ballpen at tamang desisyon ang kanyang pina-iiral kasabay ng matinding pagtimbang sa hustisya.

Pagmamalaki ni Santiago, hindi matutumbasan ang katuparan ng kanyang mga pangarap dahil wala na siyang mahihiling pa.

Tulad ng PSN, naging “siksik’” at “liglig” din ang buhay ni Santiago sa tulong na rin ng Diyos, mga pamilya at mga kaibigan.

Aminado si Santiago na malaki ang naging bahagi ng pahayagang Pilipino Star Ngayon sa kanyang tagumpay.

Sa maayos na pagka­kalathala ng kuwento ma­ daling maintindihan ng mga mambabasa ang paglalahad ng tunay na pangyayari.

Pagmamalaking sinabi ni Santiago na ang pagkakalathala ng kanyang mga matagumpay na hostage taking ay nagbigay   sa kanya ng mas malaking hamon upang isagawa ng maayos ang kanyang tungkulin.

Ito rin ang nagtulak sa kanya upang hubugin ang iba pang nagnanais na maging isang mabuting pulis. Hindi niya ipinagkait ang pagtuturo ng tamang sistema sa paghawak at pag-assess ng mga kritikal na sitwasyon.

Aniya, dapat na isinasaalang-alang ang kapakanan ng biktima.

Naniniwala si Santiago na marami pang mga alagad ng pulis at korte na maninindigan sa katotohanan at hindi sa anumang bagay na material.

Mas madaling makamit ang tagumpay kung ang paiiralin ay katotohanan.

ACT OF HEROISM

CAVITE GOVERNOR

DEPUTY CHIEF

HABANG

KANYANG

PILIPINO STAR NGAYON

SANTIAGO

TAONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with