Binay nanguna sa approval, trust ratings
MANILA, Philippines - Nanguna si Vice President Jejomar Binay sa tatlong pangunahing lider ng bansa na nakakuha ng matataas na approval at trust ratings ng taumbayan.
Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, nakakuha si Binay ng 84 percent; pumangalawa si Senate President Juan Ponce Enrile, 71 percent, habang pumangatlo si Pangulong Aquino, 70 percent.
Si House Speaker Feliciano Belmonte ay nakakuha ng 41% approval rating habang si Chief Justice Renato Corona ay 14% approval at 58% disapproval ratings.
Sa trust ratings, mataas din si Binay na may 80 percent, si Aquino ay 69% at si Enrile ay 63 percent. Nasa 32% naman ang nagtitiwala kay Belmonte habang 11% kay Corona at 60% umano ng mga Pilipino ang walang tiwala rito.
Ang Senado naman ang institusyong nakakuha ng pinakamataas na approval rating na 50 percent.
Isinagawa ang survey noong Pebrero 26 hanggang Marso 9, 2012. Aabot sa 1,200 respondents ang tinanong sa survey.
- Latest
- Trending