'52 araw sa summer job' - DOLE
MANILA, Philippines - Ito naman ang idiniin ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan may katumbas itong 416 oras para maghanapbuhay habang bakasyon.
Ayon kay Lorna Obidoza, Officer-in Charge ng Developmental Department ng Technical Services ng DOLE-National Capital Region (NCR), tulad ng Department of Education (DepEd) ay suportado rin ng Kagawaran ang summer job para sa mga estudyante dahil magandang pagkakataon ito para kumita habang bakasyon.
Ayon kay Obidoza, maaaring magtrabaho din ang mga out-of-school youth sa kondisyon na makakapag-enroll din ang mga ito sa loob ng isang taon.
Kinakailangan lamang na nasa edad na 15-25 taong gulang at maipakita ang Baptismal o Birth Certificate sa Public Employment Service Office ng mga local government unit.
- Latest
- Trending