Botohan sa RH bill inatras

MANILA, Philippines - Nagdesisyon na ang liderato ng Kamara na bigyan pa ng mahabang panahon ang mga kongresista na pagdebatihan ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bil bago ibasura ang diskusyon sa sandaling muling mag-resume ang session sa Mayo 7.

Paliwanag ni House Majority Leader Neptali Gonzales II, ito’y upang wala silang dinadalang bigat sa mga kumokontra sa pagpapasa ng kontrobersyal na panukala sa paggunita ng semana santa sa Abril.

Nauna nang ipinanukala ni Gonzales kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na tapusin na ang debate sa pamamagitan ng pag-terminate dito at paghandaan na ang panukalang pagpapasa nito sa ikalawang pagbasa.

Ayon pa kay Gonzales, kusa nang mamamatay ang panukala sa 15th Congresss sa sandaling matalo ito sa botohan para i-terminate ang debate.

At sa sandaling matalo na umano ang debate,ay ito na ang panahon upang makapag-move on at pag-usapan ang iba pang mahalagang panukala na nakabinbin sa Kamara.

Show comments