^

Bansa

12% VAT sa langis aalisin

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Pinaplano ngayon ng pamahalaan na alisin na ang 12 percent na Value Added Tax (VAT) sa la­ngis.

Ayon kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Mar Roxas, ang planong pag-alis sa VAT sa langis ang siyang nakikitang solusyon ngayon ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Sinabi ni Roxas, humahanap ngayon ng mga pamamaraan ang pamahalaan at kinokonsidera ang lahat ng factor na maaaring makaapekto sa buhay ng bawat isang Pilipino kapag nagpatuloy ang pagtaas ng mga produktong petrolyo.

“The government is taking into consideration all factors, including potential rise in the wages and prices of commodities, in deciding on the petition of drivers and operators for a provisional increase in jeepney fares,” sabi ni Roxas.

Aniya, kapag pinayagan nila ang pagtaas ng pasahe na hinihiling ng mga transport sector ay mag-uugat ito na pagtaas din ng presyo ng lahat ng mga pangunahing bilihin sa bansa na malaking epekto sa mas nakararaming mamamayan at tiyak na susunod din ang kahilingan na dagdag na sahod sa mga manggagawa na makakaapekto naman sa larangan ng pagnenegosyo.

Una nang iginiit ng transport groups na sa hirap ng buhay dapat alisin na ni Pangulong Aquino ang VAT sa petroleum products, pigilin ang tuloy-tuloy na oil hike at im­bestigahan ang patuloy na overpriced sa petroleum products at ibigay na ang P1.00 fare hike sa jeep.

ANIYA

AQUINO

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

MAR ROXAS

PANGULONG

PILIPINO

PINAPLANO

ROXAS

VALUE ADDED TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with