'555' bawal na - DOLE
MANILA, Philippines - Mahigpit nang ipinagbabawal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang “555” o pagre-renew ng kontrata ng isang empleyado kada limang buwan.
Sa ilalim ng Department Order 18-A na ipinaprubahan noong Nobyembre 2011, inoobliga na ang mga sub contractor na gawing regular ang kanilang mga empleyado na matagal nang nagtatrabaho subalit dumaan lamang sa renewal.
Ayon kay DOLE USec. Rebecca Chato, karapatan na ng mga empleyado na makatanggap ng regular na sahod, incentive leave at security of tenure mula sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Wala naman umanong pinag-iba ang mga sub-contractor sa mga direct employer kung kaya’t dapat lamang na ibigay ang karapatan ng mga empleyado.
Isa umano sa mga requirements ng DOLE upang makapagparehistro ang sub-contractor ay ang pagkakaroon ng capitalization. Ito ang siyang magiging puhunan para sa pagpapasahod sa mga manggagawa.
Lumilitaw sa record ng sub-con na 1,442 construction at 1,848 security ang lumabag noong 2011
Tiniyak naman ni Ed lacson, pangulo ng Employees Confederation of the Philippines na suportado nila ang desisyon ng DOLE, dahil hindi lamang ang mga employees ang protektado nito kundi maging silang mga employer.
Ito na din ang daan upang masawata ang fly-by-night sub-contracting at maging legal at professional ang sub-contracting.
- Latest
- Trending