Santo Papa nakiramay sa pagpanaw ni Cardinal Sanchez

MANILA, Philippines - Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Pope Benedict XVI sa mga naulila ni Cardinal Jose Sanchez na pumanaw sa edad na 91. Sa report ng Vatican Information, ang mensahe  ng  Santo Papa ay ipinadala umano kay retired Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Nakasaad sa report na si Cadinal Sanchez ay magsisilbing inspirasyon sa iba para maging tunay na tagasunod ng Diyos at sa kanyang Simbahan.

Inaalala din ni Benedict XVI ang dedikasyon ni Cardinal Sanchez bilang pari at obispo sa Pilipinas, gayundin sa paninilbihan sa Roman Curia sa ilalim ng panunungkulan ni Blessed John Paul II.

Si Cardinal Sanchez ang panglimang cardinal na Pilipino.

Show comments