MANILA, Philippines - Aabot sa 4,500 US troops at 2, 300 naman mula sa counterpart ng mga itong sundalong Pinoy ang lalahok sa gaganaping ika-28 serye ng RP-US Balikatan joint military exercises sa susunod na buwan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., nag RP-US Balikatan Exercises ay kabibilangan ng cross training at field training exercises na isasagawa sa Luzon at Palawan mula Abril 16-27 para sa Balikatan 2012 (BK12).
Kapapalooban din ito ng humanitarian assistance at disaster response training.
Ang RP-US war games ay isinasagawa kada taon alinsunod sa umiiral na Visiting Forces Agreement o VFA.