^

Bansa

CGMA, 3 pa tinuluyan sa NBN-ZTE

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nakakuha ng probable cause ang tanggapan ng Ombudsman para isulong ang kasong kriminal laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at tatlong iba pa kaugnay ng umano’y kontrobersiyal na $329 milyong ZTE-NBN deal na pinasok ng nagdaang administrasyon.

Si Arroyo ay nahaharap sa 2 counts ng graft at isang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards noong December 28 kaugnay ng umano’y paggamit ng kapangyarihan nito para aprubahan ang naturang proyekto.

Ilan pa sa co-defendants sa unang graft case ni Arroyo sina dating first gentleman Mike Arroyo, ex-Comelec chairman Benjamin Abalos Sr. at dating DOTC secretary Leandro Mendoza.

Ibinasura naman ng Ombudsman ang mosyon nina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, dating Gabriela Rep. Liza Maza at Bayan Chair Carol Araullo na gawing plunder ang kasong graft dahil hindi ma-establish ng Ombudsman ang lahat ng mga elemento para gawing plunder ang graft ng mga akusado.

BAYAN CHAIR

BAYAN MUNA REP

BENJAMIN ABALOS SR.

CAROL ARAULLO

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

GABRIELA REP

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

LEANDRO MENDOZA

LIZA MAZA

MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with