^

Bansa

Gusaling ginigiba sa Quiapo mapanganib

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Mapanganib umano sa mga residente at mga taong nagdadaan sa Quiapo, Maynila ang isang ginigibang building bunsod umano ng kawalan nito ng “safety net” na siyang dahilan upang maglaglagan ang mga tipak na bato, semento at bakal sa kalsada.

Sumulat na kay Manila Mayor Alfredo Lim ang mga residente sa lugar at ipinarating ang peligrosong paggiba sa dating Ginto Cinema building na makikita sa 657 Quezon Boulevard, Quiapo.

Ang liham ay na-receive ng tanggapan ng alkalde nitong Pebrero 27, 2012.

Natatakot na umano ang mga residente na nakatira sa paligid ng ginigibang gusali partikular ang mga nakatira sa Esperanza at Porvenir Sts., na mabulaga at tamaan ng nagbabagsakang mga bato na maari nilang ikapahamak kaya hinihiling nila ang mabilis na aksiyon hinggil dito.

Isa umanong nagngangalang “Dick” ang sinasabing nangangasiwa sa ginigibang gusali.

vuukle comment

ESPERANZA

GINTO CINEMA

ISA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAPANGANIB

MAYNILA

NATATAKOT

PORVENIR STS

QUEZON BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with