^

Bansa

Human trafficking sa US talamak

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dumarami na ang mga sindikato sa human trafficking sa Estados Unidos na nambibiktima sa mga Pilipinong pangarap makapagtrabaho doon at kumita ng dolyar.

“Tumanggap kami sa Kongreso ng ulat mula sa POEA na may dalawa pang grupo sa US na nambibiktima ng mga kababayan nating gustong magtrabaho sa Amerika,” pagbubulgar ni Deputy House Speaker Erin Tañada III.

Sinabi ni POEA General Manager Hans Leo Cacdac sa pulong ng Committee on Overseas Workers, kamakailan na tutulong na ang NBI para imonitor ang operasyon ng mga sindikato ng human trafficking sa Amerika. Nauna rito, nakipagkita si Tañada nitong 2010 sa 11 biktima ng human trafficking sa Amerika upang matulungan silang mabawi ang binayad nilang $7,000 sa ngayo’y nabuwag nang ADMAN Human Resources, Placement and Promotions.

Sa tulong ni Tañada, nagwagi sa isang kasong isinampa laban sa ADMAN ang 11 biktima, subalit napeke rin ng pinaghihinalaang sindikato ang proseso sa pagbabayad ng surety bond sa apela sa korte ng ADMAN kaya’t hindi mabayaran ang 11 biktima, bagamat nanalo na sila sa naisampang demanda.

Naniniwala si Tañada na malaking grupo ang mga sangkot sa human trafficking at posibleng may mga kasabwat ang mga sindikato sa mga insiders ng mga opisinang pampahalaan na nagpo-proseso ng mga travel at working permits. Legal na nakarating ang 11 biktima sa Amerika ngunit wala palang trabahong naghihintay sa kanila doon.

AMERIKA

DEPUTY HOUSE SPEAKER ERIN TA

DUMARAMI

ESTADOS UNIDOS

GENERAL MANAGER HANS LEO CACDAC

HUMAN RESOURCES

KONGRESO

OVERSEAS WORKERS

PLACEMENT AND PROMOTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with