^

Bansa

Special polls sa distrito ni Iggy

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umuusad na sa Kamara ang resolusyon na magdedeklarang bakante at walang kinatawan sa Kongreso ang ika-limang distrito ng Negros Occidental dahil sa pagkamatay ni Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Sa House Resolution 2171 nina House Speaker Feliciano Belmonte, layon nito na magpatawag ng special elections para sa distrito ni Iggy.

Kasama din ni Belmonte na naghain ng re­solusyon ang iba pang kinatawan ng Negros na sina 3rd district Negros Occidental Reps. Alfredo Maranon, Alfredo Benitez,Merdedes Alvarez at Julio Ledesma.

Ang nasabing reso­lusyon ay nakatakda ng isalang sa deliberasyon matapos na iendorso ng plenaryo sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms at kapag na-adopt na ng Kamara ang resolusyon, pormal na maidedeklarang bakante na ang posis­yon ni Iggy at hihingin sa Commission on Elections (Comelec) na magdaos ng special elections para punuan ito.

Sa ilalim ng batas, maaring idaos ang special election kung nabakante ang puwesto isang taon bago ang regular na eleksiyon.

ALFREDO BENITEZ

ALFREDO MARANON

HOUSE COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

IGGY

JULIO LEDESMA

KAMARA

MERDEDES ALVAREZ

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL REPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with