16-anyos naglaslas ng pulso, nagbigti
TUGUEGARAO CITY ,Philippines – Dahil sa labis na panibugho sa buhay at pag-ibig kaya nagdesisyon ang 16-anyos na estudyante na magpakamatay matapos maglaslas ng pulso at magbigti sa Barangay Maddarulog sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.
Bagamat tumanggi si P/Chief Insp. Zaldy Mallari na kilalanin ang biktimang menor-de-edad na nag-suicide, sinabi nito na 4th year high school student sa St. Paul University sa nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, natagpuan ng nakababatang utol ang duguang katawan ng biktima sa loob ng kanilang sala.
Narekober naman ang suicide note ng biktima sa text message na pinadala nito sa babaeng kakilala na inilarawan ang mapait niyang karanasan sa pag-ibig.
- Latest
- Trending