^

Bansa

2 naka-jackpot kumubra na ng milyones

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umuwing mga ba­gong milyonaryo ang da­lawang masuwerteng mananaya ng lotto makaraang kubrahin na nitong nakaraang Biyernes sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City ang multi-milyon nilang panalo.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II sa 42-anyos na may-ari ng sari-sari store sa Pasay City ang kabuuang premyong P22,451,747.60 na solong napanalunan sa 6/49 lotto draw na binola noong Pebrero 23 matapos makuha ang kumbinasyong 10-09-26-11-12-16.

Kinuha ng mapalad na mananaya ang numero mula sa petsa ng kanyang kapanganakan, asawa at nag-iisang anak na tinayaan ng P100. Plano niyang maglaan ng mala­king puhunan sa kanyang maliit na sari-sari store upang mapalago ito bilang groserya.

Kinubra rin naman ng isang 37-anyos na factory worker na taga-Taytay, Rizal ang kalahati ng mahigit P300 milyong pisong premyo sa 6/55 Grand Lotto na binola noong Pebrero 15 matapos masapol ang kumbinasyong 10-20-11-16-28-14.

Umabot sa kabu­uang premyong P150,077,270.00 ang naiuwi ng bagong instant mil­yonaryo mula sa mahigit P300 milyong pinaghatian nila ng isang senior citizen sa Southern Leyte na una ng kumubra sa kanyang panalo.

Sinabi ng bagong mil­yonaryo na hihingi naman siya ng payo buhat sa bangko kung paano pangangalagaan ang kanyang kayamanan at kung saan magandang i-invest ito.

BIYERNES

GENERAL MANAGER JOSE FERDINAND ROJAS

GRAND LOTTO

KINUBRA

KINUHA

PASAY CITY

PEBRERO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PLANO

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with