Bangkay ni Iggy darating ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang darating­ ngayong gabi ng Biyer­nes, Pebrero 24, sa Ninoy Aquino­ International Airport lulan ng Emi­rates Airlines ang bangkay ni Congressman Ignacio “Iggy” Arroyo na namatay sa London noong Enero 26, 2012 dahil sa cardiac arrest.  

Ito ang nabatid sa mga impormante na nagsabing ang labi ni Arroyo ay kasama sa flight manifest para sa biyaheng babalik sa Pi­lipinas mula sa London na dadaan muna sa Dubai.

Wala pa raw umanong booking sa eroplano ang common-law wife ni Arroyo na si Grace Ibuna at ang mga anak niya sa una niyang asawang si Marilyn Jacinto na sina Bianca at Bernardina.

Dalawang araw na ibuburol ang labi ni Arroyo sa ancestral home ng pa­milyang Arroyo sa La Vista, Quezon City, isang araw sa House of Representatives, dalawang araw sa Bacolod City at isang araw muli sa Arroyo house sa La Vista bago ilibing.

Show comments