MANILA, Philippines - Pumalag ang Department of Education-National Employees Union (DepEd-NEU) ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwisan ang kanilang bonus at allowance.
Sinabi ni Atty. Domingo Alidon, pangulo ng DepEd-NEU, hindi nila lubos maisip kung bakit bubuwisan ang Christmas bonus at clothing allowance gayong itinatakda ng batas na hindi ito dapat kaltasan.
Ani Alidon, gagawa sila ng karampatang hakbang upang harangin ang nasabing balak ng BIR.
“Bakit hindi nila pagbutihin ang pagkolekta ng tax sa mga malalaking tao o kumpanya na hindi nagbabayad ng tamang buwis, bakit ang maliliit na mamamayan ang ginigipit at iniipit ng BIR kung gusto nilang lumaki ang koleksiyon nila ng buwis,” sabi ni Alidon.