^

Bansa

100% increase sa PhilHealth contributions pinigil ng Kamara

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Kamara ang pagpapatupad ng 100 porsiyentong pagtataas ng kontribusyon sa Philippine Health Insurance (PhilHealth).

Ito’y matapos na apru­bahan ng House Committe on Health ang motion ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na pumipigil sa pagpapatupad ng 100% pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth na ipapatupad sana ngayong Hunyo.

Sa inilabas na resolution ng komite, ang pagsuspinde ay dahil sa pag-angal ng mga stakeholders dahil sa kawalan umano ng konsultasyon sa pagtataas ng kontribusyon.

Bukod dito, nanga­ngamba din na hindi na mabawasan ang miyembro ng PhilHealth dahil sa hindi na makapag- renew ng membership ang iba.

Umaasa din si Evardone na pakikinggan ng PhilHealth ang bukod na resolution na inihain nina Batangas Rep. Mark Mendoza at Cagayan Rep. Rufus Rodriguez na bukod na imbestigasyon bunsod sa pagtataas ng kontribusyon.

BATANGAS REP

BEN EVARDONE

BUKOD

CAGAYAN REP

EASTERN SAMAR REP

EVARDONE

HOUSE COMMITTE

MARK MENDOZA

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with