Newborn screening tagumpay
MANILA, Philippines - Sa tulong ng Rotary Club of Sampaguita Grace Park (Zone 2), na pinamumunuan ni Majestic President Ma. Theresa A. Fajardo, naisagawa ng pamahalaang-lunsod ng Caloocan City ang Newborn Screening para sa mga bagong silang na sanggol sa lunsod.
Nagsimula ang pagtutulungang ito ng Rotary Club of Sampaguita Grace Park at ng pamahalaang-lokal ng Caloocan noong taong 2010 sa pamamagitan ng inisyatiba ni City Health officer Dr. Raquel So-Sayo.
Ayon kay Fajardo, itinatag ang kooperasyong ito ng pribado at pampublikong sektor para matulungan ang mga sanggol sa mahihirap na pamilya na mabigyan ng libreng Newborn Screening.
Sinasabing nakakatulong ang Newborn screening para matukoy ang anumang heritable condition ng sanggol na maaaring magbunga sa mental retardation o pagkamatay.
- Latest
- Trending