^

Bansa

Mataas na buwis sa beer papasanin ng mahihirap

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Milyun-milyong Filipino ang papasan ng mataas na buwis na nais ipataw ng Department of Finance (DoF) sa mga beer na tinatangkilik ng uring mang­ga­gawa.

Ito ang babala ng Asia Brewery, Inc. (ABI) na siyang may gawa ng Beer na Beer at Colt 45, da­lawa lamang sa mga sikat na produktong sapul sa

panukalang dagdag buwis na tinutulak ng DoF.

Ayon kay ABI chief finance officer Enrique Martinez, tataas ng mahigit doble ang buwis ng mga beer sa low price category kung isasabatas ng

Kongreso ang House Bill No. 5727.

Aniya, ang 140 porsyentong dagdag na buwis ay ma­ngangahulugan ng pagtaas ng presyo kada bote ng popular na

serbesang inumin sakaling pumasa ang panukala.

Bagama’t ang uring manggagawa ang papasan ng mataas na buwis, karampot o 21 porsyento lamang ang madadagdag na tax sa mayayamang kumukonsumo ng

mamahalin at maging imported beer brands.

ANIYA

ASIA BREWERY

AYON

BAGAMA

DEPARTMENT OF FINANCE

ENRIQUE MARTINEZ

HOUSE BILL NO

KONGRESO

MILYUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with