Belmonte nanawagan uli ng quorum sa Kamara
MANILA, Philippines - Sa ika-20 araw ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, dumagsa sa Senado ang tinatayang 100 kongresista bilang pagsuporta sa prosekusyon.
Sinabi ni House Majority leader Neptali Gonzales III, na mayroong 100 kongresista ang nagpunta sa Senado kahapon upang magbigay suporta kay Quezon Rep. Jorge “Boyet” Banal na humarap sa senator-judges matapos na mabanggit ni PSBank-Katipunan branch manager Annabelle Tiongson na nagtungo at nagtanong sa kanya ang kongresista tungkol sa account ni Corona.
Ayon naman kay House Speaker Feliciano Belmonte, ito na ang ikalawang pagkakataon na siya mismo ang humiling ng nasabing bilang dahil karaniwan naman ay mayroon lamang 15 kongresista ang araw-araw na nagpapalitan sa Senado upang magbigay suporta sa prosekusyon.
Naniniwala naman si Belmonte na hindi sangkot si Banal sa pangangalap ng dokumento tungkol sa bank accounts ni Corona sa nasabing bangko.
Dahilan sa kawalan ng quorum, kaya nag-open close lang ang sesyon sa plenaryo sa Kamara.
Nabatid na ang nasabing hakbang ay upang hindi lumampas ang 60-session days ng impeachment complaint ni Supreme Court (SC) Associate Justice Mariano del Castillo.
- Latest
- Trending