Balasahan sa BOC simula sa Marso
MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon na magsisimula sa Marso 1 ang unang bugso ng balasahan sa kawanihan.
Ayon kay Biazon, unang maapektuhan ang limang district collectors bagamat hindi nito ibinunyag ang kanilang mga pangalan.
Ipinaliwanag ni Biazon na ang balasahan ay hindi parusa sa mga opisyal kundi upang mas maging epektibo ang kanilang trabaho.
Naniniwala umano si Biazon na maraming empleyado at opisyal ng BOC na may kakayahan sa isang posisyon. Nais lamang niyang matiyak na mas tataas pa ang koleksiyon alinsunod na rin sa layunin ng kawanihan.
Lumilitaw na umaabot sa P263.71 bilyon ang koleksiyon ng BOC noong 2011. Target naman ng BOC na makakolekta ng P357 bilyon.
- Latest
- Trending