^

Bansa

Probable cause sa impeachment vs del Castillo pagbobotohan sa Martes

- Ni Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Tinapos na kahapon ng House committee on justice ang pagdinig sa impeachment complaint na kinakaharap ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Sa Martes ay magbobotohan na kung mayroong probable cause ang reklamo bago ipadala sa plenaryo upang muling pagbotohan.

Kailangan ng absolute majority ng Justice committee o 28 boto (mahigit kalahati ng 55 kabuuang miyembro ng komite) upang maaprubahan na mayroong probable Sa botohan sa plenaryo ay kailangan naman ng 95 boto upang maiakyat ito sa Senado na magsasagawa ng impeachment trial.

Sinabi naman ng abu­gado ni del Castillo na si Louie Ogsimer na hindi makakarating ang kanyang kliyente dahil naghahanda ito na sumailalim sa heart bypass sa Pebrero 27, matapos na mabigo ang unang operasyon nito.

Sa pagdinig ay inamin ni Isabelita Vinuya, miyembro ng mga nagre­reklamong Malaya Lolas Organization, ang grupo ng mga babaeng ginawang comfort women noong panahon ng Hapon, na ang tanging nais nilang mangyari ay baliktarin ang Korte Suprema na nagbabasura sa kanilang kaso.

Naunang sinabi ni Vi­nuya na hindi ang pagta­tanggal kay del Castillo ang nais nilang makamit kundi ang mabaliktad ang desisyon ng SC. Pero bago matapos ay sinabi nito na upang hindi na maulit ang pagkakamali ni del Castillo ay dapat siyang maalis sa puwesto.

Nais ng Lolas na mag­hain ng reklamo ang gobyerno para sa kanila upang makakuha ng hustisya sa kanilang sinapit.

Si del Castillo ay ina­kusahan ng pangongo­pya sa mga international authors na ginamit niya sa desisyon na nagbabasura sa reklamo kaya inaakusahan siya ng plagiarism.

Punto naman ni Ogsemer walang kasong plagiarism sa Pilipinas at ang pinakamalapit na kaso dito ay infringement of copyright kung saan exempted dito ang mga desisyon ng korte.

HAPON

ISABELITA VINUYA

KAILANGAN

KORTE SUPREMA

LOLAS

LOUIE OGSIMER

MALAYA LOLAS ORGANIZATION

SA MARTES

SHY

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with