^

Bansa

Nagbigay ng pekeng dokumento puwedeng ma-disbar

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Maaaring ma-disbar ang sinumang abogado na nagbigay ng pekeng dokumento sa korte na naging basehan para sa pagpapalabas ng subpoena.

Babala ito ni Senator Miriam Defensor-Santiago matapos sabihin ni Philippine Savings Bank branch manager Anabelle Tiongson na fake umano ang ginamit na mga dokumento ng prosekusyon para sa dollar account ni impeached Chief Justice Renato Corona sa PSBank.

Galit na nilektyuran ni Santiago ang prosekus­yon na hindi dapat nagbibigay ng pekeng dokumento sa korte dahil maaari itong magresulta sa disbarment o pagkatanggal bilang abogado.

Binira rin ni Santia­go ang paggamit ng “anonymous source” ng prosekusyon na pinanggalingan umano ng dokumento upang malaman ang diumano’y dollar account ni Corona.

Hindi rin umano dapat ginamit ng prosekusyon ang “media account” para sa kanilang kahilingan na ipa-subpoena ang mga dokumento sa bangko ni Corona.

Sinabi pa ni Santiago na kahit hindi sinasadya ang pagbibigay ng pekeng ebidensiya sa korte ay may pananagutan pa rin ang nagprisinta nito.

Hindi na tinapos ni Santiago ang trial at agad din itong umalis. Umabot sa 170/90 ang blood pressure ng senadora ng lumabas ito sa plenaryo.

Matatandaan na inihayag ni Rep. Reynaldo Umali na isang “little lady” umano ang nagbigay sa kaniya ng isang envelope na naglalaman ng mga dokumento tungkol sa account ni Corona na ginamit naman nilang ebidensiya upang ipa-subpoena ang mga dokumento at opisyal ng PSBank.

Pero sa ginawa naman pag-review ng tanggapan ng Senate sergeant-at-arms, wala silang nakitang “little lady” sa panahon na sinasabi ni Umali na may nag-abot sa kaniya ng dokumento.

ANABELLE TIONGSON

BABALA

BINIRA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DOKUMENTO

GALIT

MAAARING

PHILIPPINE SAVINGS BANK

REYNALDO UMALI

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with