PNoy 'di pupunta sa burol ni Rep. Iggy

MANILA, Philippines - Wala umanong plano si Pangulong Aquino na makiramay sa burol ng yumaong si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo.

Diretsahang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na walang balak na magpunta sa lamay ni Rep. Iggy ang Pangulo.

Hindi nagbigay ng anumang paliwanag si Usec. Valte kung bakit hindi dadalo sa burial rites ni Iggy ang Pangulo.

Ayon kay Usec. Valte, hindi naman malapit si Pangulong Aquino sa yumaong kongresista na bayaw ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Magugunita na nasawi sa sakit na cancer sa liver si Rep. Iggy sa London.

Samantala, sinabi ng Palasyo na ipauubaya na nila sa korte kung papayagan nitong makapunta sa burol ni Iggy si dating Pa­ngulong Arroyo.

Show comments