^

Bansa

Pamumudmod ng condom 'wag gawing gimik - CBCP

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umapela si dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Jaro Archbishop Angel Lagdameo sa Department of Health na huwag gawing gimik sa Valentines day ang pamumudmod ng condom at iba pang contraceptives na karaniwang ginagawa ng ahensiya tuwing araw ng mga puso gayong alam nilang may masamang epekto ito hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa moralidad ng tao.

Giit ng Arsobispo, nananatili ang panawagan at kampanya ng Simbahang Katolika na ang abstinence, pagiging tapat sa asawa at pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon ang mabisa pa ring paraan para labanan ang sinasabing patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa bansa maging ang mga sakit na STD, Herpes at iba pa.

Umaasa naman si Lagdameo na paninindigan ng DOH ang pag-amin na hindi mapipigilan ng condom ang pagkalat ng sexually transmitted diseases o STD at abstinence pa rin at pagiging tapat sa partner ang makakapigil sa paglaganap ng nasabing sakit.

Samantala, tiniyak ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo na ang sex liberalization sa bansa bunsod ng RH bill ay magiging sanhi ng pagtaas ng krimen.

Ayon kay Bishop Bagaforo, dapat nang matuto ang Pilipinas sa Amerika at Europa na walang naidulot na maganda sa kanilang kultura at ekonomiya ang RH bill at population control.

Kung magiging liberal na ang usapin sa pakiki­pagrelasyon, magdudulot anya ito ng mas malubhang kalagayan sa moralidad at magpapalaganap ng sexual crime sa bansa tulad ng pakikiapid, pagkasira ng isang pamilya at magiging commodity na lamang ang mga babae.  

AMERIKA

ARSOBISPO

AYON

BISHOP BAGAFORO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

COTABATO AUXILIARY BISHOP JOSE COLIN BAGAFORO

DEPARTMENT OF HEALTH

PRESIDENT JARO ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with