^

Bansa

CGMA mananatili sa Veterans

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi pa maidede­tine sa ordinaryong kulu­ngan si dating Pangulong Gloria­ Macapagal-Arroyo makaraang katigan ng Pasay City Regional Trial Court ang pananatili nito sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kundisyon ng kanyang kalusugan.

Sa kautusang inilabas ni Pasay RTC branch 112 Judge Jesus Mupas, ka­ilangang ipagpatuloy pa ni Pampanga 2nd district Rep. Arroyo ang pagpapagamot nito sa VMMC upang ganap na guma­ling sa karamdaman. Ina­ta­san rin nito ang mga doktor ng mambabatas sa VMMC na magbigay ng buwanang medical report sa korte upang mamonitor ang kalagayan ng kalusugan nito.

Ang naturang desis­yon ay makaraang magsumite pa ng “supplemental motion” si Atty. Benjamin Santos sa kahilingan na manatili ito sa VMMC dahil sa may karapatan ito na bigyan ng proteksyon ng estado bilang dating Pangulo ng bansa.

Kung ililipat ang da­ting Pangulo sa regular na kulungan, manganga­nib ang personal na seguridad nito at kalusugan dahil sa napakasamang kundisyon ng mga kulungan ngayon sa bansa.

Sinusugan nito ang me­dical reports na inilabas ng mga mangga­gamot ng VMMC na kina­kailangan pang dumaan sa 4 na linggong rehabilitasyon si Arroyo dahil sa kundisyon ng gulugod nito.

BENJAMIN SANTOS

INA

JUDGE JESUS MUPAS

MACAPAGAL-ARROYO

MEMORIAL MEDICAL CENTER

NITO

PANGULO

PANGULONG GLORIA

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with