MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Malacañang na si Deputy Ombudsman Francis Jardeleza ang bagong solicitor-general kapalit ng nagbitiw na si Jose Anselmo Cadiz.
Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., magsisimula si Jardeleza bilang bagong Sol-gen sa Biyernes. Si Jardeleza ang deputy Ombudsman for Luzon.
Bukod dito, nagsilbi din bilang abugado ng San Miguel Corporation si Jardeleza.
Nilinaw naman ni Cadiz na personal ang kanyang dahilan sa pagbibitiw at hindi siya pinilit ni Pangulong Aquino na magbitiw sa puwesto.
Inihain ni Cadiz ang kanyang resignation letter noong Biyernes.