^

Bansa

'Red' Monday sa CJ supporters

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Mamumula ngayong araw ang Korte Suprema dahil mula sa pagsusuot ng itim sa tuwing Lunes, ngayon ay pawang nakasuot naman ng kulay pula ang mga empleyado, huwes at iba pang supporters ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa isasagawang programa at novena sa mismong SC compound sa P. Faura, Ermita, Maynila.

Kabilang sa mga dadalo na magsisimula alas 4:30 ng hapon, ang mga miyembrong Solidarity 4 Sovereignty, Supreme Court Employees Association (SCEA), mga hukom upang magdasal upang depensahan umano ang mga atake sa kanilang institusyon ng tinagurian nilang lider na isang “de facto dictator.”

Sinabi ni SCEA president Jojo Guerrero na ang kanilang Black Monday protest ay upang kondenahin ang aniya’y kamatayan ng demokrasya at ang ngayong pasusuot ng pula ay upang ipakita naman ang tapang at suporta sa laban upang magkaroon aniya ng judicial independence.

Hindi umano maapektuhan ang kanilang trabaho na magserbisyo sa publiko dahil tatapusin ang oras ng trabaho bago sila magsimula ng programa.

Nasa 27,000 ang court employees sa bansa kung saan kabilang ang 3,000 na miyembro ng SCEA.

BLACK MONDAY

ERMITA

FAURA

JOJO GUERRERO

KABILANG

KORTE SUPREMA

MAMUMULA

MAYNILA

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

SUPREME COURT EMPLOYEES ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with