^

Bansa

Mga abogado ng prosec inawat ng oposisyon

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinaghihinay-hinay ng oposisyon sa Kamara ang prosecution team sa pag-aakusang korap at tiwali ang mga abogado ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Minority Leader Danilo Suarez, “unfair” ang House prosecution team sa pagbabato ng mga masasamang salita laban sa private lawyers ni Corona samantalang ang kanila ring mga pribadong abogado ay nagre-representa din ng mga akusadong may kasong kriminal.

Inihalimbawa nito si private prosecution lawyers Arthur Lim na naging abogado ng Sulpicio Lines Inc. dahil sa kaso ng paglubog ng M/V Princess of the Stars kung saan marami rin ang namatay apat na taon na ang nakakalipas, gayundin si Jose Justiniano na naging abogado ni US Marine Lance Corporal Daniel­ Smith na naakusahan ng panggagahasa sa isang Pinay sa Subic noong 2005.

Gayundin si prosecution lawyer Vitaliano Aquirre II na naging abogado din ni Hubert Webb sa kaso ng Vizconde massacre simula pa noong 1995.

Ang reaksyon ni Suarez ay bunsod sa mga paha­yag ni Quezon Rep. Lorenzo Tanada III simula pa ng pagsisimula ng impeachment trial noong Enero 16 na nag-aakusa sa mga abogado ni Punong Mahistrado ng tiwali at korap dahil sa nag-representa din ang mga ito kay dating pangulong Gloria Arroyo at sa mga umano’y cronies nito.

Umaasa din ang mambabatas na mananatili lamang ang prosekusyon sa mga isyu sa halip na tirahin ang mga personalidad na kalaban nito sa impeachment trial.

ARTHUR LIM

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

GLORIA ARROYO

HUBERT WEBB

JOSE JUSTINIANO

LORENZO TANADA

MARINE LANCE CORPORAL DANIEL

MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

PUNONG MAHISTRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with